Actions

Work Header

Just the Way You Are

Summary:

Anastasia Zephyr Acosta (🐶), a famous actress, finds herself at the center of a scandal that sends shockwaves through the media.

“What? Ipapadala niyo ako sa Lunares? No Mom, I don't wanna go there. Ang layo-layo na nga, wala pang signal!”
“You have no choice, Azi. Kailangan mong maglielow at kung hindi ay puputaktehin ka ng media at bashers mo rito sa Maynila.”

Why Lunares, of all places? At bakit may nakikita siyang babaeng… nag-aararo?!

“Di ka na nga maganda, matapobre ka pa.” Mikhara (🦊) scoffs, holding the slipper Azi accidentally threw at her.

“Excuse me? What did you just say?!”

“Bingi ka ba? Ang sabi ko, hindi ka na nga maganda, matapobre ka pa.”

Notes:

(See the end of the work for notes.)

Chapter 1: I. Bayan ng Lunares

Notes:

(See the end of the chapter for notes.)

Chapter Text

Characters

Mikha as Mikhara Amari Ledesma

Aiah as Anastasia Zephyr Acosta

Maloi as Maya Ylona Ruiz

Colet as Colin Ventura 

Gwen as Ginger Abella

Jhoanna as Jordan Callie Romero

Stacey as Serenity Soriano

Sheena as Steffany Myrl Carreón

 

Disclaimer: This is a work of fiction. The following events, characters, and scenarios are purely imaginative and should not be confused with real-life situations. Please remember to always engage in relationships and interactions responsibly, with mutual consent and respect for personal boundaries. Last but not the least, ship responsibly.


 

Panimula

 

"Azi, magbakasyon ka muna. Huwag ka munang magpakita sa publiko. Kailangan muna nating pahupain ang issue bago ka humarap ulit sa mga tao."

Napatingin ako sa manager kong si Maya.

"What? Bakit ako ang kailangang magbakasyon? Maya, ilang beses ko nang sinabi sa'yo—hindi iyon ang buong pangyayari. Na setup lang ako ni Jeremiah!"

"We don't have enough evidence, Azi. Mas paniniwalaan ng mga tao ang spliced video kaysa sa kahit anong sabihin mo dahil wala tayong maipapakitang proof." Halata sa mukha ni Maya ang matinding stress dahil sa sitwasyon.

Shit.

Napakawalanghiya talaga ng mokong na 'yon. Matapos niya akong perahan, matapos siyang magloko, ganito pa ang igaganti niya sa akin? Kung hindi dahil sa akin, wala siya sa industriyang ito.

Nagsimula ako sa pag-aartista pitong taon na ang nakalipas, at ito ang unang beses na nasangkot ako sa ganitong kalalang kontrobersiya. Nakilala ko si Jeremiah nang sumali siya sa isang reality show kung saan ako ang host. Agad siyang natanggal dito, kaya hindi siya sumikat.

Pero ilang buwan lang matapos ang reality show na iyon ay nagparamdam na siya sa akin na interesado siya. Dinaan niya sa tawag, text, at pagpunta sa set tuwing may bago akong pelikula o serye na sinushoot ang kanyang panliligaw.

Si Jeremiah ay laking probinsya, at hindi rin mayaman ang kanyang pamilya, kaya naintindihan ko na hindi siya makapaglabas ng pera at makapagbigay ng kahit anong regalo para sa akin. Hindi rin naman ako humihingi ng mga materyal na bagay dahil kaya ko namang bilhin ang mga 'yon. Duh?

Pero dahil pinuno niya ako ng matatamis na salita, ayun, nagpauto si gaga.

Nang sinagot ko siya ay bigla rin naman siyang sumikat. Kapag may mga pelikula ako ay siya ang madalas ipina-partner sa akin at nagkaroon na rin kami ng solid na fans club.

Sa mahigit tatlong taon na relasyon ni Jeremiah, kahit minsan hindi ako humiling sa kanya ng kahit ano. Masyado akong nabulag sa pag-ibig.

Dahil nga rin sa sitwasyon niya sa buhay, lahat ng date namin—ako lahat ang gumastos. Kulang na lang maging sugar mommy niya ako! Or baka iyon na nga ang tawag sa mga ginagawa ko?

At kahit ngayon na kumikita na siya ng mas malaki, never pa akong nakatanggap sa kanya ng kahit isang pirasong rosas!

Ambobo mo, Azi. Bakit hindi mo man lang naisip 'yan non?

Nakatingin ako ngayon sa cellphone ko. Puro pambabash ang natatanggap ko sa lahat ng social media platforms samantalang si mokong ay puro awa at simpatya ang natatanggap.

Arghhhh!! Ang kapal talaga ng mukha ni gago.

 

Nahuli ko si Jeremiah sa isang private room sa isang bar na may kahalikang babae. Ang babaeng iyon ay nakasama namin sa isang pelikula kung saan siya ang third party.

Aba, si gaga, isinabuhay talaga ang role niya.

Hindi ko na alam kung sino ang nagrecord ng pag-uusap namin ni Jeremiah, ang alam ko lang ay galit na galit ako noong mga oras na iyon.

 

"Ang kapal ng mukha mo, Jeremiah. Pagkatapos ng lahat ng ginawa ko para sa'yo, ganito ang igaganti mo sa akin! Nagawa mo pa talagang mangaliwa! Ganyan ba talaga kayong mahihirap? Mahilig manggamit ng tao para lang makaahon sa buhay? Ang dapat sa’yo, bumalik sa probinsya mo at magtanim ng kamote dahil wala ka namang kwenta. Kung hindi naman dahil sakin ay wala ka sa posisyon mo ngayon!"

 

Kumalat ang video ko na sinasabi ang mga yan, ang problema lang ay cinut 'yong bandang una at itinira lang 'yung part na "Ganyan ba talaga kayong mahihirap? Mahilig manggamit ng tao para lang makaahon sa buhay? Ang dapat sa’yo, bumalik sa probinsya mo at magtanim ng kamote dahil wala ka namang kwenta. Kung hindi naman dahil sakin ay wala ka sa posisyon mo ngayon!" para magmukhang ako ang masama. 

Hindi ko alam kung saan humuhugot si Jeremiah ng kakapalan ng mukha at nagawa pa niyang ipakalat yung pag-uusap namin. Sigurado akong pakana niya iyon. Wala naman silang ibang kasama sa room na iyon kundi ang mga kunsintidor niyang kaibigan. Paniguradong ayaw niyang mawalan ng career kaya inunahan na niya akong mag-expose.

Alam kong mali 'yung mga sinabi ko. Alam kong nadala ako sa galit at sakit ng nararamdaman ko at hindi ko na naisip kung gaano ka-grabe yung mga salita na ibinitaw ko.

Alam ko, hindi ko dapat sinabi 'yun, pero kung tatanungin niyo ako, hindi rin tama na lahat ng galit ay napupunta lang sa akin. Jeremiah cheated on me so bakit parang ako lang 'yung lumalabas na masama?

Magsasalita pa lamang sana ako ulit nang biglang nagring ang cellphone ni Maya.

"It's Ma'am Elizabeth."

Sasabihin ko pa lang sana na huwag niyang sagutin ay bigla naman niyang pinindot ang answer call.

Shit!

What was worse than having an issue? It was the fact that my mother owned the company I worked for. Every little mistake, every bad headline, lahat nababalitaan niya at lahat ay may kaakibat na parusa!

And if there was one thing I hated, it was how she always managed to control everything. 

"Yes, Ma'am. Yes, Azi is here po. Okay po Ma'am I'll give the phone to her."

Wala na akong nagawa kundi tanggapin ang cellphone na binibigay sakin ni Maya.

"Mommy..."

"Azi, what the hell happened? Ano 'tong gulong ipinasok mo?"

Nahulog ang mga kamay ko sa gilid ng katawan ko, and a deep bow of my head began, as if in shame.

"Mom, hindi ko po sinasadya. I was... I was hurt, and I said things I shouldn't have said. Alam ko pong mali ako." Ang hindi ko kayang tanggapin ay hindi lang ang pagkakamali ko, kundi pati na rin 'yung fact na alam kong hindi naman niya papakinggan kahit na anong sabihin ko.

"Azi, we have a reputation to uphold! Kalat na kalat na 'tong issue sa lahat ng social media platforms! Alam mo naman kung gaano kabigat ang pangalan natin sa industriya na ‘to. Hindi lang basta artista, ang kumpanya natin—ako—lahat ay involved na."

Napakabigat ng bawat salita ni Mommy. NI hindi ko man lang masabi kung gaano ako nasaktan ni Jeremiah, kaya't nang makita ko siyang may kahalikang ibang babae ay hindi ko na talaga napigilan ang sarili ko.

"You left me with no choice. Magbakasyon ka muna sa probinsya ng Lola Saning mo at magtago sa mga tao, lalong lalo na sa media!"

"What? Ipapadala niyo ako sa Lunares? No, Mom! I don't wanna go there! Ang layo-layo nun at wala pang signal!"

“Azi, you have no say on this. Kailangan mong maglielow. Kung hindi, puputaktehin ka ng media at mga bashers mo rito sa Maynila. It's the only way you can redeem yourself right now. Show them that you didn't really mean what you said tungkol sa mga taga probinsya.”

 

Shit shit shit! Ayokong bumalik doon!

Halos sampung taon na simula nang huli kong punta sa Lunares. Ang huling alaala ko ay ang mga araw na dumaan ako sa matinding hirap—the days when my lola made me work hard. I didn’t even get to experience the ease of life.

Pinag-gapas pa ako ng palay buong stay ko roon! At ginawa ko iyon habang tirik na tirik ang araw! Oh my gosh, I don't wanna talk about it anymore.

And also, my lola—she's tough! Masyadong mahigpit, walang paligoy-ligoy. Kung hindi ka magttrabaho nang maayos, wala kang karapatan magpahinga. Kung sasabihin niyang magtanim ako ng gulay, kailangan magtanim ako. Kung magpapakain siya ng mga hayop, wala akong choice kundi sumunod. Matapos ang isang linggong pagstay ko noon, muntik ko nang kalimutan kung anong buhay ang mayroon ako sa Maynila.

 

“Mom, please... I can’t go back there. I’m not the same person I was back then. Baka mamatay ako sa pagod doon!”

“Wala kang choice, Azi. Gagawin ko ang lahat para mapigilan ang epekto ng isyung ito, pero kailangan mo rin magpakumbaba. Hindi mo kayang ayusin ito mag-isa. Pumunta ka sa lola mo, magpakita ng respeto. That’s the only way to save yourself from further damage.”

Fuck my life...

 

 

Dumating na ang araw na kinakatakutan ko—ang araw ng pagpunta ko sa Lunares.

Lord, kayo na po ang bahala sa akin...

Nandito kami ngayon ni Maya sa labas ng bahay, at nakahanda na ang van na gagamitin papunta sa pinaka kinatatakutan kong probinsya.

"Azi, don't forget, ha? Don't do anything reckless there na alam mong mas ikasisira ng career mo. Your endorsements are already withdrawing their support, and even the commercials you were scheduled to shoot have been canceled. Kaya please lang, behave, okay?" Madiin na sinabi ni Maya habang nakatutok siya sa cellphone niyang puno ng notifications.

"Kung gusto mong bumalik sa dati ang career mo, then kailangan mong umayos."

"Fine! As if namang may choice ako. Saka, ano naman ang posible kong gawin doon na makakasama sa career ko? Sakyan ang mga kambing? Literal na puro berde lang makikita mo roon, Maya! Kaya sure akong wala akong ibang mapagkakaabalahan kundi sundin ang mga utos ng lola kong daig pa si Miss Minchin."

Hindi na napigilan ni Maya ang pagtawa.

"Oh, siya! Sige na! Susunod ako roon, maybe after two weeks? Kailangan kong tumulong sa PR team... you know. Just text me pag nakarating na kayo."

"Tss... as if namang may signal doon, Maya. Nang-aasar ka ba?"

Lumagapak na naman sa pagtawa si Maya.

My gosh, naiisip ko pa lang na walang signal at internet doon, naiiyak na ako.

 

Matapos ang halos anim na oras na biyahe, sa wakas ay nakarating na rin kami sa Lunares. Una kong ginawa ay ang i-check ang cellphone ko.

Fuck, wala pa rin talagang signal.

Napabuntong-hininga ako habang nililibot ang paningin sa paligid. Wala pa ring masyadong nagbago—halos puro berde pa rin ang tanawin, at parang wala pa ring sumibol na mga building. Parang tumigil ang oras dito.

Habang nagmamasid ay agad akong sinalubong ni Tita Cora at ng pinsan kong si Colin sa may harap ng bahay.

"Hala, Tasya, ikaw na ba iyan? Aba'y napakalaki mo na! Kay gandang babae naman nito!"

What the… Tasya? Sinong Tasya? Does that nickname even exist?

"Uhm, Tita Cora, Azi na lang po," sagot ko, pilit na ngumingiti kahit ang weird ng pakiramdam ko sa tawag niya sa akin.

"Ay naku! Anong Azi ka riyan? Tasya ang tawag namin sa'yo rito, no! O siya, tara, pumasok ka muna sa loob nang makapananghalian ka na."

Wala na akong nagawa kundi sumunod. Napatingin ako sa pinsan kong si Colin na mukhang masayang-masaya na nakita ako ulit.

"Insan! Kumusta? Long time no see ah? Tara, pasok ka na sa loob! Tulungan na kita riyan sa mga maleta mo."

Ngumiti ako nang kaunti. Hindi pa rin talaga nagbabago si Colin—mabait at laging maasahan. Ten years ago, siya rin ang laging sumasaklolo sa akin kapag hindi ko matapos ang mga gawain.

"Thanks, Colin. Si lola, nasaan?" tanong ko habang pinupunasan ang pawis sa noo.

Sobrang init!

"Nasa itaas, naggagantsilyo. Puntahan mo na lang, kasi ayaw noong bumababa hangga't hindi siya tapos."

"Sige, puntahan ko na lang siya. Sa susunod na lang tayo magkuwentuhan, Colin. Super pagod lang talaga ako sa biyahe."

Nginitian niya lang ako bago dumiretso sa kusina para tumulong kay Tita Cora sa paghahanda ng pagkain. Ako naman, napahinga nang malalim at sinimulan na ang pag-akyat sa lumang hagdanan ng bahay.

Parang bumalik lahat ng alaala ko noong huli akong narito.

 

Welcome back to Lunares, Azi.

 


 

Nasa hapagkainan kami nang biglang nagsalita si Lola Saning.

“Tasya, mamayang hapon ay magsimula ka nang magpakain ng mga baboy at manok natin sa farm. Colin, samahan mo itong pinsan mo ha. Turuan mo para walang masayang na oras.”

Really? Wala man lang bang pahinga-pahinga, lola?? Yan ang gusto kong sabihin, pero siyempre hindi pwede, 'di ba? Baka bigla pa akong pagtanimin ng palay nang wala sa oras! 

Hays!

Laking pasasalamat ko nang biglang sumingit sa usapan si tita Cora.

“Ma, baka naman pwedeng ipagpabukas na 'yan? I-utos na lang muna natin sa mga tauhan natin. Anim na oras bumyahe si Tasya o.”

So ano? Tasya na ba talaga ang pangalan ko rito? Final na? 

Nagdasal ako na sana ay pumayag si lola.

“Oh, s'ya, sige, bukas na bukas. Alas singko ng umaga ay gumising ka. Kailangan nating magpunta ng palengke para bumili ng mga sariwang karne. Maaga kong kailangan magluto para sa mga tauhan at papakainin pa natin iyong mga nasa palayan.”

Holy shit! 5AM? Patulog pa lang ako niyan e!

“Ayan, Tasya. Ilaan mo na ang araw na ‘to sa pagpapahinga at paglilibot. Colin, mamaya ay ipasyal mo si Tasya, ha? Pumunta kayo sa may ilog at sa plaza.”

“Opo ma, ako na po ang bahala kay Azi.”

Sa wakas, may tumawag din sa aking Azi sa lugar na 'to!

Hindi na ako kumontra dahil baka pag sinabi kong ayokong lumibot ay bigla akong utusan ng kung ano ni lola!

 

Pagkatapos kumain ay nagpahinga muna ako ng ilang oras at pagsapit ng alas kwatro ng hapon ay kinatok na ni Colin ang kwarto ko.

"Insan, tara na at mahirap abutan ng gabi rito sa Lunares. Wala nang mga tricycle na masasakyan."

Lumabas kami ng bahay at pumara ng tricycle papuntang palayan. Sabi ni Colin, iniutos sa kanya ni lola na idistribute daw muna ang arawang sweldo ng mga trabahador na gumagapas bago kami maglibot.

Ang daming kwento ng pinsan ko pero wala talaga akong gana makipag-usap.

All I could think about was, I wanna go back to Manila! Miss ko na ang Wi-Fi! Miss ko na mag-bar!

At ang init talaga! Bwisit, alas kwatro pasado na, pero tirik pa rin ang araw! Panigurado, pagkabalik ko sa Maynila, daig ko pa ang nagpa-tan sa beach!

Nang makarating kami sa palayan ay nagpaalam na saglit si Colin para ibigay na ang sweldo ng mga trabahador.

Habang naglalakad-lakad ako sa gilid ng palayan ay may bigla akong naapakang—

SHIT, SHIT, SHIT!

OO! LITERAL NA SHIT! Oh my gosh! Wala na bang mas isasama itong araw na ito?!

Hindi ko kayang magtanggal ng dumi, at mas lalong ayokong magtanggal ng dumi. Pero dahil wala akong choice, pinilit kong tanggalin lahat ng iyon.

Subalit noong matagumpay ko nang matanggal lahat ng dumi ay bigla namang nasira ang swelas ng tsinelas ko!

Gusto ko nang umiyak dahil sa mga kamalasang nangyayari sa buhay ko. Paano ako makakauwi nito?

Tabang Lord...

Sa sobrang badtrip ko ay ibinato ko na lang ang sirang tsinelas.

 

*Thwack!*

 

Napatingin ako sa direksyon kung saan ko ito itinapon.

May tinamaan!

Nakita ko ang isang babaeng may pulang buhok, naka-messy bun, naka-itim na sando, at naka-puting shorts.

OMG... may dumapong dumi sa suot niyang sando!

Napansin ko ang mga mata niyang nagulat, at saglit na huminto ang lahat ng tunog sa paligid, tila may ilang segundo ng katahimikan bago siya naglakad patungo sa direksyon kung nasaan ako.

"Miss, sa'yo ba itong tsinelas na ito?" 

"Mukha bang may nagmamay-ari pa niyan? Kita mong sira na, 'di ba?" sagot ko na lang, hindi kayang tumingin ng diretso sa mata niya. Ang buong katawan ko ay puno ng inis dahil sa nangyari, pero sinusubukan ko pa ring manatiling kalmado. 

"Tss... di ka na nga maganda, matapobre ka pa," sabi niya, sabay talikod at lakad papalayo.

"Excuse me? What did you just say?!"

Kumulo ang dugo ko sa mga narinig ko. Sa sobrang gulat at inis ay hindi ko na napigilang tumaas ang boses ko. Never in my life akong nakatanggap ng ganyang insulto!

 

 

Notes:

Hi! Thanks for reading my new AU! Just want to let you know that I'll be focusing on completing APT (https://archiveofourown.org/works/61514317) before proceeding with this one. I hope you'll give the same support you've given to my other AUs. 🥹🥹🥹

let's be moots!
X: @nairobi_writes